How To Live A life Of Godly Habits Part 3
Last two weeks ago pinag-aralan natin kung paano natin ide-dedicate 'yung ating buhay sa Diyos. Una ay kailangan nating mag-surrender ng ating buhay sa Diyos. Isu-surrender natin yung ating body, mind at gifts and then second week pinagusapan natin na hindi ka lang magsu-surender kung hindi lalakad ka na kasama ang Diyos. You will walk following God's direction, you will accommodate God's timing at you will yearn for continuous spiritual growth at kapag ginagawa mo 'yon ay hindi ka maliligaw kung hindi mananatili ka sa direksyon ng Diyos. Ngayong week na ito ay pag-uusapan naman natin kung anong mga maka-diyos na habit ang kailangan nating gawin para tuloy-tuloy tayo makapag-surrender at makalakad kasama ang Diyos para naman matupad natin yung destiny na inihanda Niya para sa atin.
Ang goal ng Christian life ay maging isang tao ka na gusto ng Diyos na maging ikaw. Hahayaan mo na purpose, goals, vision at mission ng Diyos ang humulma ng iyung pagkatao. Ang ibig sabihin kung ano ang vision ng Diyos para sa iyo ay yon ang direksyon ng iyung buhay. Doon nakaalign ang iyung interes, character, plano at pangarap. Kaya lang para magawa ng Diyos ito sa buhay mo ay kailangan mo ng spiritual disciplines, ito yung mga habits na kailangan mong i-develop at i-train sa sarili mo sabi ni Pablo
Show More
sa 1 Corinthians 9:24
"Alam ninyong ang mga kalahok sa paligsahan ay tumatakbong lahat, ngunit iisa lamang ang nagkakamit ng gantimpala! Kaya't pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala."
lahat tayong alagad ang Panginoong Jesus ay kailangan tumakbo sa takbuhin na inilaan Niya sa bawat isa sa atin at kung tatakbo tayo ang sabi sa talata ay hindi ka tatakbo para matapos mo lang yung karera kung hindi tatakbo ka para manalo. Ang ibig sabihin ay pagbubutihin mo. Bakit? kasi kung pinagbubuti mo ang pagtakbo, gumagawa ka ng maka-Diyos na habit, dini-disciplina mo ang iyong sarili na parang isang atleta, ang sabi sa talata ikaw ay tatanggap ng gantimpala. Now hindi











