How to live for God’s Purpose Part 5
Ngayon ay sine-celebrate natin ang pinakadakilang victory ng Panginoong Hesus ito ay ang Kanyang pagkabuhay na muli. Maaring may doubt ka sa Diyos may doubt ka sa Panginoong Jesus nagdududa ka sa Kanyang pangako, nagdududa ka sa Bible, nagdududa ka sa authority Niya. Ang resulta ay hindi mo tuloy maibigay yung buong commitment mo o hindi ka makapag-surender ng buong-buo sa Kaniya At maaaring wala kang desire na maglingkod sa Kanya.
Kaibigan wag ka magduda sa resurrection ng Panginoong Hesus dahil maraming leader ng iba't ibang religion namatay silang lahat at ni isa man sa kanila ay walang nabuhay na muli. Leader ng Buddhism, Islam, at marami pang iba lahat sila ay namatay at nabulok. Pero tanging ang Panginoong Hesus lang ang nabuhay na muli.
Show More
Maraming ebidensya na nabuhay na muli ang Panginoong Hesus isa na dito ang
Proof of the Resurrection
1: Empty Tomb of Jesus
2: Women Eyewitnesses
3: Disciple's new-found courage
4: Changed Lives of James and Others
5: Large Crowd of Eyewitnesses
6: Conversion of Paul
7: They Died for Jesus
Kaibigan ang resurrection ng Panginoong Hesus ay nagpapatunay sa kung sino ang Panginoong Hesus na sinasabi niya. Pinatunayan nito na ang Panginoong Jesus ay Diyos. Hindi pinatunayan ang pagka Diyos ngPanginoong Jesus nung siya ay namatay sa krus kung hindi pinatunayan na siya ay Diyos noong siya ay nabuhay na muli
sabi sa Romans 1:4 Living Bible
4 and by being raised from the dead he was proved to be the mighty Son of God, with the holy nature of God himself.
then sabi pa sa
1 Corinto 15:17 ASD
17 At kung si Cristoʼy hindi muling nabuhay, walang silbi ang inyong pananampalataya at hindi pa kayo napapatawad sa inyong mga kasalanan.
Ang sabi sa talata ay kung hindi nabuhay na muli ang Panginoong Jesus ay wala raw silbi ang pananampalataya natin. Lahat tayo hindi mapapatawad sa ating mga kasalanan kahit manampalataya pa tayo sa Kanya. Pero dahil sa Siya ay nabuhay na muli, kung Siya ay victorious tayo din ay victorious. Tayong mga











