Huwag kang mag sorry
'Wag kang mag sorry kung hindi mo kasalanan. 'Wag kang mag sorry para lang magkaayos kayo. Paano ma-acknowledge ng isang tao ang kanyang kamalian kung sinasalo mo na ang lahat? Parang sinasabi mo na rin na mali mo pa rin kahit hindi naman. Siguro nagso-sorry ka kasi natatakot kang iwanan. Mababa kasi ang pagtingin mo sa 'yong sarili. Palagi mo bang iniisip na kapag palagi kang nagso-sorry ay madali kang magustuhan ng mga tao o respetuhin? Kabaligtaran ang makukuha mo. Bago ka mag sorry, isipin mo muna kung may nagawa ka bang mali? Hayaan mo ang taong nakagawa ng kasalanan ang gagawa ng aksyon. Every time that you’re saying sorry there’s a part of you on some deeper level that’s basically apologizing for your existence and the space you take up. This is not modest or wise, it’s self-destructive, and it can often bring out the worst instincts in other people. Don’t devalue yourself and don't apologize all the time. You belong here in this world and you are worthy of a good life.











