HUWAG MO NG IPILIT | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

302 views

Huwag mo ng ipilit
BY: MERCY BLESS

Huwag mo ng ipilit kung ayaw niya na sayo
Dahil sa dulo ikaw lang din ang masasaktan
At mahihirapan

Show More

Kahit na manatili pa siya
Kung ang lahat ay pansamantala
Talo ka pa rin
Kahit na nasa piling mo pa siya
Kung iba rin naman ang laman ng puso niya
Talo ka pa rin

Kaya kung alam mong pilit nalang ang lahat
Huwag mo ng pilitin
Masasaktan ka lang
Mauubos ka lang

Ganito talag siguro kapag umiibig ka
Yung handa kang ibigay ang lahat
Manatili lang ang taong minamahal mo

Yung kahit na nahihirapan kana
At sobrang labo ay
Naniniwala ka paring pwedeng maging kayo

Naranasan ko naring magmahal
Na ako nalang ang lumalaban
At ang napala sa dulo ay
ako lang din ang nahihirapan

Masarap magmahal kapag mahal ka rin
At masakit magmahal kapag ginawa mo na ang lahat
Ay wala parin

Tama nga yung sabi nila
Na kapag ayaw sayo
Di mapapasayo

Kalabanin mo man ang mundo
Maipanalo lang ang taong mahal mo
Magiging kasalungat parin ang matatanggap mo

Bakit ba kasi ang hirap magmahal
bakit di pwedeng pwersahin ang mga bagay bagay
at di pwedeng ipilit na mahalin ka rin ng taong mahal mo

Pagmamahal lang naman ang ibibigay ko
Ba’t di pa kayang tanggapin ng taong mahal ko

Kaya kapag nagmahal ka
At alam mong pilit lang simula sa umpisa
Ay huwag mo ng subukang ipanalo
Ang labang di naman para sayo

Walang maling pagmamahal
Kung sa nararapat mo ibibigay
Walang maling pagmamahal
Kung ito’y kusa sayong ibibigay

Kaya kapag di para sayo
Huwag mo ng ipilit
Kapag nasasaktan kana
Huwag mo ng ipilit

Ang para sayo
Ay dadating sa tamang panahon
Kaya huwag kang mainip
Dahil mas masarap magmahal kapag mahal Karin
Kaya kapag ayaw niya sayo
Huwag mo ng pilitin

Facebook Page:https://www.facebook.com/MERCY-BLESS-...
Tiktok : tiktok.com/@mercy.bless
Business Email : mercyblesscollaboration@gmail.com
Spotify: in God's perfect time, my songs, podcast and hugots will be on spotify.

FAQs:
Q. How old are you?
22

Q. Where do you live?
In the Philippines

Q. What camera do you

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press