HUWAG MO SANANG ISIPIN (LYRICS) - TAGALOG WORSHIP SONG
HUWAG MO SANANG ISIPIN (LYRICS) - TAGALOG WORSHIP SONG
Title: Huwag Mo Sanang Isipin
Written and Composed By: Ricky Sanchez
Cover By: Ptr. Francis Ryan Coronel
Show More
|| LYRICS ||
Huwag mo sanang isiping
di Kita natatanaw
Huwag mo sanang isipin iniwanan na Kita
Lagi kang nakikita sa paglipas ng araw
At Aking nalalaman ang iyong pagdurusa
Huwag mo sanang isipin
hindi Kita naririnig
Ang iyong dalamhati, ang iyong mga daing
Di mo ba nalalaman na Kita'y iniibig
Bawat patak ng 'yong
luha ay Aking nababatid
Huwag mo sanang isipin nalimutan na Kita
Dahil ang 'yong pangalan,
sa palad Ko'y sinulat na
Kung Ako'y kailangan,
kung Ako'y hinahanap
Tumawag ka't manalangin
at Ako'y mangungusap
Huwag mo sanang isiping
hindi kita pinapansin
Huwag mong kalilimutan
ang inalay Ko sa'yo
Kahit ang Aking buhay
ay Aking inihain
Tulad ng ginawa ko
sa krus para sa'yo........
INSTRUMENTAL.....
Kung Ako'y kailangan,
kung Ako'y hinahanap
Tumawag ka't manalangin
at Ako'y mangungusap
Huwag mo sanang isiping
hindi kita pinapansin
Huwag mong kalilimutan
ang inalay Ko sa'yo
Kahit ang Aking buhay
ay Aking inihain
Tulad ng ginawa ko
sa krus para sa'yo.......
Huwag mo sanang isiping
hindi Kita minamahal
Ang katotohanan,
Kita'y minamahal
#HuwagMoSanangIsipin #TagalogWorshipSong
NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED.
This lyric video made for worship purposes only.
All Credit belongs to their Rightful Copyright Owner.











