HUWAG MONG IPAGYABANG KUNG ANONG MAYROON KA | JSB HEARTENING
JSB Heartening
Video Title: HUWAG MONG IPAGYABANG KUNG ANONG MAYROON KA | JSB HEARTENING
Marami ng mga tao ngayon ang nagyayabang ng kanilang pag-aari para hangaan sila ng iba. Ipinagyayabang nila ang kanilang mga branded na damit o iba pang mamahaling pag-aari. Hindi naman masama na mag-enjoy ka sa perang pinaghirapan mo. Sang-ayon din naman ang Bibliya tungkol rito. Ito ang sabi sa Eclesiastes 3:13,
Show More
“Ang bawat isa ay dapat kumain, uminom, at masiyahan sa lahat ng pinaghirapan niya. Regalo iyan ng Diyos.”
Pero ang hindi tama ay ipagyabang, o idispley, ang ating mga pag-aari. Ang negatibong resulta kapag tayo'y nagyayabang ng ating pag-aari, makakaakit tayo ng mga pekeng kaibigan. Kaibigang nagmamahal lang sa ating pag-aari hindi sa atin. Gusto mo ba ng ganyang mga kaibigan? Yung kaibigang hindi ka mahal dahil ang interes nila ay kung ano ang nasa sa 'yo. Ibig sabihin, depende sa ikinikilos natin kung sino ang gustong makipagkaibigan sa atin.
TRANSCRIPT: https://bit.ly/3lkV38s
=== Infraction
Cinematic Inspirational Piano by Infraction [No Copyright Music] / A Way to You
https://youtu.be/4JQASDpciNM
#BeHumble #Egotistic #JSBHeartening











