Ikaw Ang Pagasa by Theodore Llego
Ikaw Ang Pagasa
By Theodore Llego
Pagmulat ng mga mata sa liwanag
Kitang kita ang saya at galak
Ibubukas namin ang puso sa iyo aming Ama
Hahayaan na ika’y magsalita
Show More
Mga lungkot, luha na aming nalasap
Sa buhay na ito na puro pangamba
Ang presensya mo ang tanging paalala na
‘di kami kailanman nagiisa
Chorus:
Tayo’y magsama-sama
at lumapit sa Kanya
Harapin natin ang bukas
Na walang pangamba
Tayo’y magsama-sama
At sabihin sa kanya
Halleluya! Halleluya!
Ikaw ang pag-asa
Verse 3:
Pinagdaana’y binura, ipinalit ay sigla
Ang Kapatira’y nakamit ang pagkakaisa
Punasan na ang luha, Iwaksi ang masama
Nandito na ang ating bagong simula
(Chorus)
Bridge:
‘Di man dumating ang sapat na pagbabago
Tuloy lang kapatid pagasa'y di naglalaho
Lagi natin tandaan ang Diyos at nariyan
Madali lamang siyang lapitan
(Chorus) 2x
Halleluya! Halleluya! 3x
IKAW ANG PAGASA
#GospelMusic
#ChristianSong
#PraiseAndWorship
#papurisongs











