Ikaw ang Pagibig | Composed by: Kuya Daniel Razon


#worship #praiseandworship #papurisongs #christiansongs

Lyrics
Sa bawat pintig ng aking puso
Nararamdaman Iyong Pagsuyo
Bawa't araw awa Mo'y bago
Salamat sa pagdinig sa mga daing ko

Show More

Salamat ako'y may mga kapatid
Dumadalanging walang patid
Sa katuwirang 'pinababatid
Salamat sa Iyong gawang 'di malirip

Ikaw ang Pag-ibig na nananatili
Ikaw ang ligaya kung may dalamhati
Ikaw ang pag-asa 'pag napipighati
Salamat, Oh Ama sa Iyong pagkandili

Iyong salita'y aking kaaliwan
Kagalaka'y Iyong kautusan
Inihahayag itong kahilingan
Samahan Mo ako magpakailan pa man

At doon sa langit sa Iyong bayan
Nawa'y makarating aking kaliitan
Pangarap makasama buong kapatiran
At makapiling ka sa walang hanggan

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press