IKAW ANG PAHINGA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

12,524 views

Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
walang isang salita
ang makakatumbas
sa nararamdaman ko ngayon

kung gaano kasaya
kung gaano kagaan
ang laman ng pusong
minahal ng sobra

Show More

pag-ibig na kusang
dumating sa tamang pagkakataon
at sa tamang panahon
kung saan handa na ang puso
magmahal at mahalin
ng taong kasagutan ng panalangin

di ko aakalaing
dadating ka sa lugar
na kung saan kailangan ko ng kasama
sa lugar na kailangan ko ng
pag-ibig na iyong pinadama

ang bawat espasyo sa puso ay napunan
ng isang katulad mo na laging nariyan
walang makakatumbas ninuman
ng pagmamahal mo sa akin na laging nakalaan

di mo magawang kalimutan
ang araw-araw na pag-aalala
na sa bawat oras ika’y
lagi kang nangangamusta

di ko naramdaman ang takot
sapagkat sa pag-ibig ako’y nakabalot
ng tiwala at pangakong mong ako lang
ng pag-ibig na sapat at walang kulang

di ko aakalaing, dadating ang isang katulad mo
isang katulad mo na tanggap ang buong ako
na handing mahalin sa kung ano ako

pinaramdaman mo sa akin
na ako lang ay sapat na
at makikita sa iyong mata
kung gaano ka kasaya
kapag ako ang iyong kasama

di ko mapaliwanag ang ligaya
na iyong pinadama
dahil di ko aakalaing may isang taong
labis kong mapapasaya

pinili natin ang isa’t isa
at kusang puso natin
dumikta

kaya wala ng dahilan
wala ng dahilan na aabot sa katapusan
ang pag-ibig na pareho nating sinimulan

ako ay para sa iyo at ikaw para sa akin
pareho nating pipiliin
kahit na tayo man ay susubukin

pangako
pangako kong laging mong isa puso
na ikaw lang at wala ng iba
wala ng iba sapagkat kahit na ano man
ang mangyari ay pipiliin kita

mahal kita
at mamahalin pa kita
at pinapangako kong
sa habanag buhay ay
ikaw lang talaga

Facebook Page
https://www.facebook.com/MERCY-BLESS-102417664695351

Tiktok
tiktok.com/@mercy.bless

Business Email
mercyblesscollaboration@gmail.com

Open

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press