Ikaw at Ako Sana | Spoken Word Poetry
MERCY BLESS
Ikaw at Ako Sana.
By: Plen Rotao
Bakit nga ba hindi ko sayo nasabi
Ang mga katagang matagal ng nananatili
Sa puso ko na syang nakakubli
Na Hindi mabigkas ng aking mga labi.
Show More
Pintig ng puso natin ay iisa
Kahit mayroong pangamba,
Sa tuwing titingin ako sayong mga mata,
Nakikita ko ang kinabukasang ikaw ang makakasama.
Sa bawat galaw at pag aalala
Malinaw na gusto natin ang isat-isa
Sa bawat bibitawang mga salita
Mayroong hindi masabi ngunit naipapadama.
Matayog ang iyong mga pangarap.
Na syang lagi mong tanaw sa mga alapaap
Ang pigilan ka'y sadyang kay hirap
Sapagkat ang taglay mong bituin ay walang kasing kislap.
Tangan ang pangakong akoy maghihintay
Hinayaan kitang maglayag sa agos ng buhay
Habang pinagmamasdan kang unti-unting tinatangay
Puso ko ay hindi mapalagay.
Paano kung ikay hindi na bumalik?
Paano kung mapagod kang hintayin ang mga salitang hindi ko mabanggit,
May saysay pa ba ang bawat saglit?
O magdudulot na lamang ng pasakit.
Tatlong taon ang lumipas...
Larawan moy hindi parin kumukupas
Laging nag-hihintay sa bawat oras
Maghihintay Kahit umabot pa ng wakas.
Ngunit tila bat nawawalan na ng pag-asa
Hindi maitatanggi na baka may iba na
Baka may taong handang sabihin sayo ang mga kataga
Na matagal ko na sanang ginawa.
Hanggang lahat ng hinala ay naging tama.
Ikay bumalik sa araw na itinakda
Kasama ang lalaking paninindigan ka
At kaya kang iharap sa kahit saang dambana.
Bumalik sa aking mga ala-ala.
Ang mga panahong ikaw ang kasa-kasama
Na kung may lakas ng loob lang sana
Noon paman sinabi ko na.
Aking Binibini, iniibig kita,
Subalit ang mga naturang salita
Ay ang syang magiging mitsa
Upang mamili ka sa aming dalawa
Sa pagitan ng Pangarap o ako sana.
Ayaw kitang papiliin kayat pinalaya kita.
Patawad kung hindi kita agad makakalimutan
Mahirap kang iwaglit sa pusot isipan
Masyadong malalim ang pinagsamahan
Lalo na ang pagkakaibigan
Kayat Mamahalin parin kita
Kahit ikay pag mamay-ari na ng iba
Sapagkat ang pag-ibig na hindi ko sayo nailathala
Ay











