IKAW BA'Y PARA SA'KIN? | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Ikaw ba’y para sa akin ?
Ikaw ba’y para sa akin ?
Dahil kung dadaan kalang din
Huwag mo ng ituloy ang pag-ibig mong
puso ko’y ang wawasakin
Show More
Ayaw ko ng mag-aksaya ng oras
Kung ito lamang ay magwawakas
Huwag ka nang magpakita ng motibo
Kung ikaw mismoy nalilito sa nararamdaman mo
Dahil nakakapagod magmahal
Sa taong di kayang lumaban
Na ang tanging paraan niya lamang
Ay ang pagsuko sa pag-ibig na di ko pa kayang ihinto
Kung maibabalik lang ang panahon
Sana noon ko pa tinanong
Kung ikaw ba talaga ang para sa akin
Kung ikaw ba talaga ang inilaan para sa akin
Pero huli na
Dahil nalaman ko lamang ang kasagutan
Nung iniwan mo ako sa ere
Masisisi ko ba ang puso ko
Kung napaniwala mo ito
Sa matatamis na mga pangako?
Kasalanan ko ba ?
Na nagtiwala akong di mo ako sasaktan
Na ikaw ang pahinga ko
At di mo ako iiwanan
Mali ata ang pag-ibig na pinahalagahan ko
Dahil kahit ako di kayang
Pigilan ang patuloy na pagtibok ng puso ko
Sa isang taong itinuring na laro ang nararamdaman ko
Ikaw ang tanging tao
Na minahal ko ng ganito
Kaya kahit ako napapatanong
Kelangan ko ba talagang masaktan
At madurog sa katotohanang
Baliwala lang ang lahat sayo?
Kaya pala ako nauubos
Dahil maling pag-ibig ang aking pinaniwalaan
Pero bakit ako pa na minsan na lamang nagmahal
Bakit sayo pa
Kung di lang din magtatagal
Kaya pala ang sabi ng karamihan
Ang pag-ibig ay isang sugal
Di mo alam kung
Mananalo o matatalo
Di mo alam kung mananatili o maglalaho
At heto
Ako yung natalo
Sa isang laro
Na gusto ko sanang ipanalo
Ako yung tumaya
Pero iba yung nanalo
At wala ng magagawa
Kundi tanggapin
Ang taong minahal ko
Ay di para sa akin











