IKAW PARIN SA BAGONG TAON | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
UNANG TULA NG TAON
AY PARA SA PANGINOON
IKAW PARIN SABAGONG TAON
BY: MERCY BLESS
di ko masukat
ang pagmamahal na iyong dala
sa araw-araw
at sa tuwina
Show More
ako ba’y nararapat
sa pag-ibig na sayo ko lang matatagpuan
ako ba’y sapat
sa iyong bigay na kaligayahan
wala kang katulad
walang maikukumpara
dahil lahat ng pinaramdam mo sa akin
‘ay sobra sobra
tunay ngang di ka nagkulang
sapagkat kahit na ilang beses akong nagkamali
tumalikod at na dapa
nariyan kang handa akong
iahon sa lahat ng pagkukulang
at punan lahat ng puwang
maging buo lang ulit
ang pusong ako lang din naman
ang nagwasak
di ka napagod na ako’y gabayan
di ka tumalikod kahit na ikay tinalikuran
mga pangako mo parin ang bumalot
sa puso kong puno ng takot
wala na akong masasabi
sa lahat ng iyong pinakita’t pinadama
sapagkat ang lahat ng kahapon ko’y
ikaw ang nanguna
ikaw ang kasama sa kung saan man ako mapadpad
kasama ko sa bawat paglipad
pagkadapa at pagkawala
at sa kabila ng lahat
narito ako.. di nag-iisa
sapagkat kasama ka
kasama ka
dahil di mo ako iniwan
sa lahat ng aking pinagdaan
nanatili kang tapat
nanatili kang sapat
sa lahat-lahat
minulat mo ang aking mga mata
sa mga bagay na di ko noon nakita
at iyon ang iyong pagmamahal
sapagakat nung una
akala ko mag-isa kong pinapasan ang mundo
akala ko may galit sa akin ang mundo
dahil sa mga bagay na di ko naiintindihan
na araw-araw kong pinapasan
ngunit sa kabila ng lahat ng mga katanungan
kung bakit kailangan pang mapagod?
kung bakit kailnagan pang masaktan?
at kung bakit kailangan ko pa tong pagdaanan?
ay ang mga kasagutan
kasagutan na noon ko pa nararanasan
na noon mo pa pala pinapadama
ang pag-ibig na pilit kong binabaliwala
nung mga panahong akala ko
ako’y nag-iisa
ay nariyan ka palang nag-aalala
nung panahong akoy napagod na
ikaw pala ang dahilan ng pahinga
sa kabila ng lahat na iyong pinadama
at lahat ng iyong pinakita
di ko magdadalawang isip na
sa bagong taon ay
ikaw parin
ikaw parin ang isasama sa bawat laban
ikaw parin ang magiging











