ILALABAN PA BA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

5,177 views

Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
ILALABAN PA BA
By: Julah Salomon
VOICE & EDIT : MERCY BLESS

may kulang pa ba?
nagsasawa ka na ba?
may mali ba akong nagawa?
o sadyang may hinahanap ka lang talaga?
o baka naman may iba na?

Show More

hindi ko na maintindihan
andaming tanong na gumugulo sa aking isipan.
pilit na hinahanapan ng kasagutan
umaasang maliliwanagan
umaasang mapapalitan ng kasiyahan ang bumabalot na kalungkutan.

ngayon ko nga lang napagtanto
na sa iyo lang ako nagka-ganito
kaso ang masakit doon parang wala lang sayo
wala lang sayo lahat ng ginagawang kong pagpapahalaga at pag intindi sayo

ilang beses na akong muntik sumuko
pero hindi ko magawa dahil mahal kita
ikaw ang pinili ko
ngunit ito ay binabalewala mo
samantalang ikaw naman ang unang nagpakita ng motibo
pero bakit ako yung nagmumukhang tanga at desperado?

kung umasta ka parang walang kasalukuyang "tayo"
minsan ayos ang pakikitungo, masaya at kalmado
pero mas madalas ang pagpapairal ng init ng ulo
kaya natatakot akong tumawa at humalakhak ng todo
kasi ang kasunod no'n ay lungkot
na di basta basta nagpapatalo kahit pilit na nilalabanan ko

ngunit darating rin pala ang araw na kinatatakutan ko
na mawawalan na ako ng rason para unawain ka pa
kaya ako'y umaasa na lang na magbabago ka
kahit hindi na para sa akin o sa relasyon natin
kundi para na lamang sa babaeng susunod mong mamahalin.

umaasa akong babalik pa ang relasyon natin kagaya noong habang nag uumpisa pa lang tayo
ngunit huwag kang mag- alala dahil patuloy kitang susuportahan
sadyang nakakapagod lang lumaban
kaya pasensya na kung darating ang araw na ang mga katagang "suko na ako" ay akin nang sasambitin
dahil bago ko pa man ito sabihin ay matagal kong pinaniwalaan at pinanghawakan ang mga salitang "kaya ko pa"
dahil masaya ako sa pinagsamahan nating dalawa at higit sa lahat dahil mahal

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press