Into the Unknown | Coach Francis Casaba
Sa lugar kung saan hindi tayo familiar, minsan doon tayo tatawagin at palalakarin ni Lord. Hindi para parusahan tayo at pahirapan, pero para tayo ay turuan na manampalataya na may magandang plano at gagawin si Lord.
Kaya sa pagkakataong may 'GO' signal si Lord — sa pangarap mo o sa kahit anong bagay, subukan natin. Sumunod tayo sa Kanya nang may pananampalataya at maniwala tayong committed si Lord sa atin kahit pa magkaroon pa tayo ng maraming pagkukulang. Panghawakan natin na hindi tayo iiwanan ni Lord bagkus ay sasamahan pa Niya tayo sa kahit anong sitwasyon.
Show More
Tandaan, makikita lang natin ang magandang plano ni Lord kung hahakbang tayo at susunod sa lugar na pinapalakaran Niya.











