Ipakita natin ang ating pasasalamat sa Diyos sa klase ng ating mga relationships.

227 views,

WOTG - Word On The Go

107,000 views

Ipakita natin ang ating pasasalamat sa Diyos sa klase ng ating mga relationships.
Nung tinanong ang Panginoong Hesus kung ano ang ponakadakilang utos ay ito ang sagot Niya sa

Mateo 22:37-39 MBB05
“Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

Ang sabi sa talata ay ang pinakadakila, pinakamahalaga, sa lahat ng utos ay hindi ang maging member ng isang relihiyon, kundi ang magkaron ng nagmamahalan na relasyon sa Diyos. Ang ibig sabihin kung paanong tayo ay nagkakaron ng personal na relasyon sa bawat isa ay ganon din naman na inuutusan tayo ng Diyos na magkaron din ng nagmamahalang personal na relasyon sa Kanya. At doon sa ralaston natin na iyun sa Kanya ay mamahalin natin Siya ng buong puso, buong kaluluwa at buong isip. Bakit? dahil una NIya tayong minahal, nilikha Niya tayo para mahalin, at para magkaron ng relasyon sa atin. Kaya ganon nalang ang pahgnanasa Niya na ibalik ang naputol nating relasyon sa Kanya simula nung nagkasala si Adam at Eve.

Panuorin ang buong mensahe, pindutin lang ito
👉youtu.be/Q-MTNs1RVXQ

#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #walkwithGod #christianvlog

Related Videos

 /