Ipanalangin natin na dumating kana o Panginoong Hesus


Hindi masama ang mangangaral kasi yaan talaga ang katungkulan natin at yaan ang habilin ng ating Panginoong Hesus. At sa totoo lang napakaraming nananalangin na sana marami ang tumanggap sa Panginoong Hesus, sa totoo lang tama ang lahat at walang masama sa ginagawa natin. Ngunit ang katanungan ko ay nais mo na ba talagang dumating ang ating Panginoong Hesus? At ang kasunod ko na tanong araw-araw mo bang ipinapanalangin na nawa ay dumating na ang ating Panginoong Hesus? Baka mas naka fucos po tayo sa panalangin sa pang sarili sa gawain atbp. Gaya nga po ng aking sinabi walang masama po sa panalangin na yan, ngunit ang pagsusumamo sa Diyos naSunduin na Niya tayo ay parang hindi tayo ganon ka siryuso, marahil siguro maayos naman ang buhay mo marami naman ang nabinyagan nangangaral ka naman. Muli tama ang ginagawa mo, pero masmabuto po siguro kung dagdagan natin ng masidhing panalangin na sunduin na po tayo ng ating Panginoong Hesus ano po? Gaya ng mga Israelita duming sila sa Diyos ng sama-sama na palayain sila mula sa pagkaalipin nila sa Ehipto, at sila ay dininig ng Diyos. At ito ang nakita ko na bakit ngaba hindi tayo Samasamang dumaing sa Diyos na sunduin na tayo upang makauwi na tayo sa langit. O baka naman sasabihin natin okay kung hindi ka pa dating o Panginoong Hesus dahil ayos naman kalagayan namin ng aking pamilya, ganon ba ang pananaw mo ngayon? Siguro masmagandang gawin ay magsumamo tayo sa Diyos na hanguin na Niya tayo sa kalagayan natin puno ng kahirapan sakit luha kaguluhan, pagkagulumihanan, at ang pinakamasakit ay ang kamatayan. Ikaw anobsa palagay mo? sana bigyan mo ng kaunting panahon na panoorin o kahit pakinggan man lang ang minsahi ng Diyos para sa bawat isa sa atin sa mga oras na ito, Salamat po...

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press