Ipinahayag ni Jesucristo ang Kanyang Doktrina | 3 Nephi 27:11-33


Ipinahayag ni Jesus ang Kanyang ebanghelyo ng pagsisisi, binyag, katapatan at kapatawaran ng mga kasalanan. Isa-isang ipinaliwanag ni Jesus sa Labindalawa ang Kanyang doktrina, at pagkatapos ay nilisan na sila patungo sa Langit.

11 Ngunit kung hindi ito nakatayo sa aking ebanghelyo, at nakatayo sa mga gawa ng tao, o sa mga gawa ng diyablo, katotohanang sinasabi ko sa inyo na mayroon silang kagalakan sa kanilang mga gawa nang kaunting panahon, at maya-maya ang wakas ay darating, at sila ay puputulin at ihahagis sa apoy, kung saan ay walang makababalik.

Show More

12 Sapagkat ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila, sapagkat dahil sa kanilang mga gawa kung kaya sila ay pinuputol; kaya nga, tandaan ang mga bagay na sinabi ko sa inyo.

13 Masdan, naibigay ko na sa inyo ang aking ebanghelyo, at ito ang ebanghelyo na aking ibinigay sa inyo—na ako ay pumarito sa daigdig upang gawin ang kalooban ng aking Ama, sapagkat isinugo ako ng aking Ama.

14 At isinugo ako ng aking Ama upang ako ay ipako sa krus; at matapos na ako ay maipako sa krus, upang mahikayat ko ang lahat ng tao na lumapit sa akin, at katulad ng pagtataas sa akin ng mga tao gayundin ang mga tao ay ibabangon ng aking Ama, upang tumayo sa harapan ko, upang hatulan sa kanilang mga gawa, kung ang mga yaon ay mabuti o kung ang mga yaon ay masama—

15 At sa dahilang ito ako ay ipinako; kaya nga, alinsunod sa kapangyarihan ng Ama ay hihikayatin ko ang lahat ng tao sa akin, upang sila ay mahatulan alinsunod sa kanilang mga gawa.

16 At ito ay mangyayari, na sinuman ang magsisisi at mabibinyagan sa aking pangalan ay mapupuspos; at kung siya ay magtitiis hanggang wakas, masdan, siya ay pawawalan ko ng sala sa harapan ng aking Ama sa araw na yaon kung kailan ako tatayo upang hatulan ang sanlibutan.

17 At siya na hindi magtitiis hanggang wakas, siya rin ang siyang mapuputol at ihahagis sa apoy, kung saan sila ay hindi na makababalik pa, dahil sa katarungan ng Ama.

18 At ito ang salitang kanyang ibinigay sa mga anak ng tao.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press