Ipinaliwanag ni Nephi ang Pagtitipon ng Israel sa mga Huling Araw| 1 Nephi 15
Nakita ni Nephi ang ipinanumbalik na simbahan sa pamamagitan ng pangitain tungkol sa mga huling araw. Pinuntahan niya ang kanyang mga kapatid na nagtatalu-talo tungkol sa mga turo ng kanilang amang si Lehi. Ipinaliwanag ni Nephi ang kahulugan nito mula sa kanyang sariling pangitain.
1 At ito ay nangyari na, na matapos ako, si Nephi, ay matangay sa espiritu, at nakita ang lahat ng bagay na ito, bumalik ako sa tolda ng aking ama.
Show More
2 At ito ay nangyari na, na namasdan ko ang aking mga kapatid, at nagtatalu-talo sila sa isa’t isa hinggil sa mga bagay na sinabi ng aking ama sa kanila.
3 Sapagkat tunay na maraming kamangha-manghang bagay ang kanyang sinabi sa kanila, na mahirap maunawaan, maliban lamang kung ang isang tao ay magtatanong sa Panginoon; at sila, sapagkat matitigas ang puso, samakatwid hindi sila lumapit sa Panginoon na siyang nararapat.
4 At ngayon, ako, si Nephi, ay nagdalamhati dahil sa katigasan ng kanilang mga puso, at gayon din, dahil sa mga bagay na aking nakita, at nalalaman kong tiyak na mangyayari ang mga yaon dahil sa labis na kasamaan ng mga anak ng tao.
5 At ito ay nangyari na, na ako ay nadaig ng aking mga paghihirap, sapagkat inaakala ko na ang aking mga paghihirap ay higit sa lahat, dahil sa pagkalipol ng aking mga tao, sapagkat namasdan ko ang kanilang pagbagsak.
6 At ito ay nangyari na, na matapos akong makatanggap ng lakas ako ay nangusap sa aking mga kapatid, nagnanais na malaman sa kanila ang dahilan ng kanilang pagtatalo.
7 At sinabi nila: Masdan, hindi namin maunawaan ang mga salita ng ating ama hinggil sa mga likas na sanga ng punong olibo, at hinggil din sa mga Gentil.
8 At sinabi ko sa kanila: Nagtanong ba kayo sa Panginoon?
9 At sinabi nila sa akin: Hindi; sapagkat walang ipinaaalam na gayong bagay ang Panginoon sa amin.
10 Masdan, sinabi ko sa kanila: Ano’t hindi ninyo sinusunod ang mga kautusan ng Panginoon? Bakit kayo ay masasawi, dahil sa katigasan ng inyong mga puso?
11 Hindi ba ninyo natatandaan ang mga bagay na











