Itatawid Mo Sa Landas |Lyrics | Quartet | SBBC
Siloam Bible Baptist Church
ITATAWID MO SA LANDAS
Words by Arnel De Pano
Performed by Quartet
(Bro. Roland, Bro. Jhoswa,
Bro. Jetheo & Bro. Laurence)
Show More
I.
Sa bawat dahon ng aklat ng buhay
Bakas ang luha na tumatangay
Inaanod ang pag asa unti unting nawawala haligi ng munting daigdig ko
Minsa'y nanlalamig na rin ang araw
Ihip ng hangin ay giniginaw
Nanlulumo nalulumbay hanap
ay isang gabay
Sa piling mo'y hndi mabibigo
Chorus:
Kahit magunaw man ang daigdig
Lisanin man ng init ang mundong nanlalamig
Kahit pa humayo sa daan
magkabila'y bangin ikaw pa rin
oh Diyos Ikaw pa rin
Pag ibig mo'y hindi magwawakas
Kalinga mo oh Diyos ang s'yang
magbibigay lakas
Sa anumang panganib ginintuan ang 'yong pagliligtas Panatag at tiyak
itatawid mo sa landas
II.
Kung sa tadhana'y di alam ang guhit
Pawang sagabal ang sinasabi
Ikaw ang s'yang tatawagan
Ang saro ko'y aapawan ng pag asang kailanman ay dulot mo.
Chorus:
Kahit magunaw man ang daigdig
Lisanin man ng init ang mundong nanlalamig
Kahit pa humayo sa daan
magkabila'y bangin ikaw pa rin
oh Diyos Ikaw pa rin
Pag ibig mo'y hindi magwawakas
Kalinga mo oh Diyos ang s'yang
magbibigay lakas
Sa anumang panganib ginintuan ang 'yong pagliligtas Panatag at tiyak
itatawid mo sa landas
Bridge:
Itatawid, ililigtas, ihahatid hanggang wakas.
Chorus:
Kahit magunaw man ang daigdig
Lisanin man ng init ang mundong nanlalamig
Kahit pa humayo sa daan
magkabila'y bangin ikaw pa rin
oh Diyos Ikaw pa rin
Pag ibig mo'y hindi magwawakas
Kalinga mo oh Diyos ang s'yang
magbibigay lakas
Sa anumang panganib
ginintuan ang 'yong pagliligtas
Panatag at tiyak
itatawid mo sa landas
itatawid mo sa landas
-----------------
#ItatawidMoSaLandas
#tagalogchristiansongs
#BaptistHymns #Christiansong #Baptistsong #Hymns #SBBC
09.25.2022
------------------
Watch and be bless with the song. Kindly like, share and subscribe! Thank you and God bless😇
------------------
No copyright infringement is intended. Music and Accompaniment used in this video credits to its rightful











