Itigil mo na ang pagkokompara
ITIGIL MO NA ANG PAGKOKOMPARA
Sa oras na ikokompara mo ang iyong sarili sa iba, palagi kang talo. Bakit? Lahat ng nakikita mo sa iba ay ang mga HIGHLIGHTS ng kanilang buhay tapos nilalaban mo sa PANGIT mong karanasan. Talo ka lagi. Tandaan mo, kahit gaano ka pa kagaling, kayaman, kagwapo, palaging may MAS LAMANG pa sa 'yo. Tandaan mo, lahat ng taong kinaiinggitan mo, may kinakaharap din 'yang matinding problema, maraming pinagdaanang pagsubok, lahat ng hamon nilalabanan, may mga kahinaan din sila katulad mo. Nobody is exempt. Nobody has it all. At lagi mong itatak sa isipan mo na hindi mo alam ang takbo ng buhay ng lahat ng tao. Nakikita mo lang ang mga HIGHLIGHTS ng kanilang buhay. Pero hindi ang kanilang BEHIND THE SCENES. Nakikita mo lang kung ano ang ipinapakita nila pero hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan nila. Kaya 'wag mong sayangin ang iyong oras sa kakahambing sa sarili mo dahil madidismaya ka lang.











