ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAY NAGTI-TAKE ADVANTAGE SA 'YO | BRAIN POWER 2177
Brain Power 2177
Video Title: ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAY NAGTI-TAKE ADVANTAGE SA 'YO | BRAIN POWER 2177
Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UC3LLn6bPkCStfCHKShTZrrQ/join
Show More
bakit may mga taong tinitake advantage ka? Simple lang ang sagot. Dahil gusto nila at kaya nila yung gawin sa 'yo. 'Yan ang masakit na katotohanan na kailangan mong tanggapin. Hindi ko naman binalewala ang pinagdaanan mo ngayon. Gusto ko lang naman na malaman mo na ang mga taong ganyan ka-kapal ang mukha ay walang preno 'yan. Basta't may pakinabang ka sa kanila, didikit sila sa 'yo. Kukunin nila ang lahat ng nasa sa 'yo pero makukuha lamang nila 'yon KUNG HAHAYAAN MONG MANGYARI 'YON. Nasa sa 'yo pa rin ang kontrol, 'di ba? Kaya naman napakahalaga na ikaw ang magdedesisyon kung magkano ang gusto mong ibigay, imbes na buksan mo lang ang pinto para makuha ng ibang tao. Pero minsan mahirap gawin 'to e kasi kung gagawin mo, may mga tao namang pagsasabihan kang madamot. Nasasaktan tayo sa salitang 'yan kaya wala na rin tayong boundaries sa buhay. Bigay lang tayo ng bigay ng atensyon, oras, pera. Halos lahat na lang ibinigay natin at wala ng natitira para sa sarili natin. Minsan din sobra na tayong nagbibigay dahil iniisip natin na nababaitan sila sa atin. Parang pampadagdag ng confidence at pampa-boost ng self-esteem. Minsan din sobra na tayong nagbibigay dahil ayaw nating may kaaway tayo. Takot tayong may magalit sa atin. Minsan din sobra na tayong nagbibigay dahil akala natin na gan'on din sila sa atin. Pero akala lang natin 'yon. Hindi lahat katulad mo ng puso. Ang mga taong nagtitake advantage sa 'yo ay walang pakialam 'yan sa 'yo. Ang tanging gusto lang nila ay kung ano ang nasa sa 'yo. Ano ang solusyon? Heto na ang 6 na dahilan kung bakit may mga taong ganito na nakapasok sa buhay mo.
TRANSCRIPT: https://bit.ly/3X33IKL
=== Infraction - No Copyright Music
Trailer Adventure Cinematic by Infraction [No Copyright Music] / Distance
https://youtu.be/aqsmBezeuoM











