Ito ay Mensahe para sa Atin Mula sa Diyos
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang mga salita na Aking binigkas, 'Hindi malayo ang panahon,' ay tumutukoy sa inyong mga araw ng pagtatamasa ng mga pagpapala; ibig sabihin, mga araw kung kailan ang lahat ng masasamang espiritu ay wawasakin at palalayasin mula sa Aking iglesia at ang lahat ng paraan ng tao sa paggawa ng mga bagay-bagay ay tatanggihan. Higit pa rito, ang pagpapahayag na ito ay tumutukoy sa mga araw kung kailan ang lahat ng malalaking sakuna ay bababa. Tandaan ito! Lahat ng ito ay matitinding sakuna; huwag nang bigyan ng maling pakahulugan ito. Ang Aking malalaking sakuna ay bababa sa buong mundo mula sa Aking mga kamay nang sabay-sabay. Sila na nagkamit na ng Aking pangalan ay pagpapalain, at tiyak na hindi magtitiis ng ganitong pagdurusa."
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 78
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.











