IWASAN NATING MANAKIT NG ATING KAPUWA | JSB HEARTENING
Ang kakayahang makapagsalita ay isang pambihirang katangian na siyang ipinagkaiba natin sa mga hayop. Nakalulungkot lang, na mali ang paggamit ng ilang tao sa kaloob na ito. Ang PANG-IINSULTO, PAGMUMURA, PANLALAPASTANGAN, PAMUMUSONG, PAMBABASTOS, at MALALASWANG SALITA ay NAKASASAKIT—kung minsan ay higit pa nga sa pisikal na pananakit. Ang sabi ng Kawikaan 12:18,
“Ang mga salitang hindi pinag-isipan ay gaya ng mga saksak ng espada, Pero ang dila ng marurunong ay nagpapagaling.”
Show More
Parami nang paraming tao ang nasanay nang magmura. Kahit nga mga bata ngayon ay nagmumura na, napansin mo naman 'yan, 'di ba? May ilang nagsasabi na ang paggamit daw ng masasakit na salita ay kapaki-pakinabang kapag gustong ilabas ang niloloob. Puwede naman daw magmura kung hindi kayang ipahayag ng ordinaryong salita ang tindi ng ating niloloob. Pero ang tanong, maniniwala ba tayo sa sinasabi ng iba na okay lang magmura o bumuga ng masasakit na salita? Dapat kayang taglayin ng natin ang gayong walang-pakialam na saloobin hinggil sa nakasasakit na pananalita? Ano kaya ang nadarama ng Diyos tungkol dito?
TRANSCRIPT: https://bit.ly/3D8Vdpn
=== Infraction - No Copyright Music
Cinematic Inspirational Piano by Infraction [No Copyright Music] / A Way to You
https://youtu.be/4JQASDpciNM
#ControlYourSelf #HoldYourMouth #JSBHeartening











