JESSE TREE | DAY 28 (December 24)
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat! Tayo ngayon ay nasa ika-28 araw na ng Pagdiriwang ng Jesse Tree. Ang huling araw ng ating pagdiriwang. Dahil sa araw na ito, ang ating isasabit na simbolo ay ang Sabsaban. Kung bakit Sabsaban ang simbolo natin ngayon, mas mabuti pa na tunghayan natin at makinig sa ating Katekesis. Pero bago 'yan, nabuo n'yo ba ang 28 araw? Nagkaroon ba ng kahulugan ang iyong paghihintay sa pasko ng pagdating ni Hesus? Hindi lang naka-display ang ating krismas tri kundi nawa'y nakatulong ito upang makilala natin ang mga taong naging bahagi sa kasaysayan ng ating kaligtasan. Maaari po kayong magbigay ng komento at magbahagi ng inyong karanasan sa pagdiriwang ng Jesse Tree. Maaari ninyong gawin uli ito next year. Sa pagtatapos ng Pagdiriwang ng Jesse Tree, ang mga taong nasa likod at harap ng camera, lalong lalo na ang bumubuo ng CMM - CFAM Media Ministry, ay malugod na nagpapasalamat sa inyong pagtangkilik, pagsubaybay at pakiisa upang maging makabuluhan ang ating paghihintay sa pagdating ni Hesus. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!!!
#JesseTree #JesseTreeDay27 #merrychristmas











