KABIGUAN | SPOKEN POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

250 views

"KABIGUAN"
Isinulat ni:Ian Joshua Ejar

VOICE AND EDIT : MERCY BLESS

Show More

Tandangtanda ko pa ang gabing nagdaan
kasabay ng pagdaloy at pagbagsak ng aking mga luha.
Hindi maipaliwanag ang takot ng pusong puno ng pangamba
dahil sa paglisan mo na minsan akong nasaktan ng sobra.
Hindi maipaliwanag ang lungkot na aking nararamdaman
dahil sa sakit na iyong iniwan bago mo sambitin
ang kabaliktaran na kasagutan na kahit minsan
hindi ko inasahan na sasabihin mo sa aking harapan.
Minsan kasi akong naniwala sa mga motibong iyong ipinakita
sa senyales ng mga kamay na nagsasabing mahal kita.
pinakilig mo ako sa kantang iyong ipinaparinig
kasabay ng mga tawang kay sarap pakingan
at hindi makakalimutan ng pusong walang ibang ninais
kung 'di yung mahalin ka hangang katapusan.
Bakit ba pinagtatagpo pa tayong dalawa
'di ko alam kung bakit hinayaan ko ang pusong
mahulog sa isang tulad mo na akala ko ay tama.
Mas mabuti sanang hindi tayo nagkakilala
sana masaya ako at hindi lumuluha.
Oo ikaw Ikaw na nagbabasa nito
sana may roon rin akong pag-asa na mapatunayan ang pagmamahal ko sayo
at ang aking halaga.
Patuloy akong aasa
kahit alam kong imposible at hindi na tama.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press