KAHIT ANONG KAPIT KO TALO PARIN | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS
MERCY BLESS
"KAHIT ANONG KAPIT TALO PARIN AKO"
BY: IAN JOSHUA L. EJAR
Pinagtatagpo ang ating landas sa hindi inaasahang oras
nabuo ang pagkakaibigan at sa hindi inaasahang panahon
pinatibok mo ang puso ko sa muling pagkakataon.
Muling sumilay ang ngiti sa aking mga labi na pumawi
ng aking mga pighati.
Kaya mas pinili kong manatili na kahit alam ko na ang ibigin ka ay Isang malaking pagkakamali.
Ipinaglaban ko yung pag-ibig na alam kong mauuwi lang sa pagtangi.
Hangang isang araw nagising ang puso ko
na hindi pwedeng ipilit ang ninanais kong pag-ibig.
Dahil sa meron ng nagpapasaya sayo na minahal mo ng buo
at minahal ka ng buo.
Napagtanto ko na kahit anong kapit
kahit na ito'y walang kasing higpit
alam kong matatalo lang ako sa taong gusto mo
at sa pag-ibig na kailan ma'y di ko na maipipilit











