Kaibigan | DFC Music | 4th Album
Track #5
Album: Salamat sa Diyos (4th Album)
Author: DFC Music @DFC Korea
Composed by: Eden Salazar-Valera
Sang by: Esther Ramonez
Arranged by: Door of Faith Music School
Recorded at: Pinknoise Studio
Show More
©️ Korea Copyright
2009 All rights reserved.
"Kaibigan" (lyrics)
Ako'y may kaibigan na nagmamahal sa akin
Magmula sa aking pagkabata
Hindi ko pa man Siya gaanong kilala
Siya sa akin ay kumakalinga
Iwanan man ako ng aking magulang
Siya ay mananatili sa akin
Handang makinig, magtanggol, gumabay
Nasa tabi, bawat sandali, bawat araw
Koro:
Si Hesus ang aking kaibigan
S'ya sa akin ang nagmamahal
Hindi N'ya iiwan lalo na kung may lumbay
Si Hesus ang aking kaibigan
S'ya sa akin ang nagmamahal
Pag-ibig N'ya ang aking kaligayahan
Minsan iniwan ko ang aking kaibigan
Kapayapaan ay nawala sa akin
Kalungkutan ang naranasan
Ngunit salamat at ako'y nasumpungan
Inabot Niyang muli ang Kanyang kamay
Pag-ibig ay muling naramdaman
At ngayon ang puso kong ito'y
Nagagalak, nag-uumapaw











