KAIBIGANG TUNAY | all the love from Munich Germany


KAIBIGANG TUNAY
Lyrics and Music: Gladys A. Ligat
Ako’y naririto ngayon awit ko’y inyong pakinggan
Tungkol sa matalalik kong Kaibigan, Hesus ang Pangalan
Buhay ko noo’y magulong, ngunit ako’y Kanyang binago
Biyaya Niya’y sadyang lubos, di ko nga mabilang ito

Siya’y Kaibigang tunay, sa’yo’y di mawawalay
Tunay na tunay, di ka Niya pababayaan
Ligayang tunay, ang iyong mararanasan
Ang pag-ibig Niya’y wagas at walang kapantay

Show More

Mapapaindak ka sa galak, at mapapasayaw
Mapapahalakhak ka sa tuwa, sa saying Kaibigan mo Siya
Mapapangiti ang iyong labi sa gitna ng problema
Pagkat sa Kanya ay panatag kang ang bagyo ay huhupa

Maging sa kasiyahan, o kapighatian man
Mananatili Siyang tapat kailan pa man

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press