Kailangang Magpasakop sa Gawain ng Banal na Espiritu Upang Makasunod Hanggang Wakas
Christian Music Video | "Kailangang Magpasakop sa Gawain ng Banal na Espiritu Upang Makasunod Hanggang Wakas"
I
Nagbabago ang gawain ng Banal na Espiritu araw-araw. Mas tumataas ito sa bawat hakbang, ang pahayag ng bukas ay mas mataas kaysa sa ngayon, umaakyat nang mas mataas sa bawat hakbang. Ganito ang gawain ng pagperpekto ng Diyos sa tao. Kung hindi makasasabay ang mga tao, maaari silang itiwalag anumang oras. Kung wala silang puso ng pagpapasakop, hindi sila makasusunod hanggang sa pinakahuli. Lahat ng mga may mapaghimagsik na kalikasan na sinasadyang sumalungat ay ititiwalag ng yugtong ito ng matulin at malakas na pagsulong na gawain ng Diyos; tanging ang mga sadyang nagpapasakop at handang magpakumbaba ng sarili ang makasusulong hanggang sa katapusan ng daan.
Show More
II
Nakalipas na ang dating kapanahunan; ito ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, isang bagong gawain ang dapat isakatuparan. Lalung-lalo na sa huling kapanahunan kung saan ay gagawing perpekto ang tao, magsasagawa ang Diyos ng mas bagong gawain, nang mas mabilis, kaya kung ang mga tao ay hindi sadyang magpapasakop, mahihirapan silang sumunod sa mga yapak ng Diyos. Lahat ng mga may mapaghimagsik na kalikasan na sinasadyang sumalungat ay ititiwalag ng yugtong ito ng matulin at malakas na pagsulong na gawain ng Diyos; tanging ang mga sadyang nagpapasakop at handang magpakumbaba ng sarili ang makasusulong hanggang sa katapusan ng daan.
III
Hindi sumusunod ang Diyos sa anumang mga regulasyon, at hindi rin Niya itinuturing na walang-hanggang hindi nagbabago ang anumang yugto ng gawain Niya. Sa halip, palagi Siyang gumagawa ng gawaing mas bago pa at mas mataas pa. Sa bawat yugto, nagiging higit na praktikal ang gawain Niya, at lalong umaayon sa aktwal na mga pangangailangan ng tao. Sa pamamagitan lang ng pagdanas sa gayong gawain matatamo ng mga tao ang huling pagpapabago ng disposisyon nila. Lahat ng mga may mapaghimagsik na kalikasan na sinasadyang sumalungat ay ititiwalag ng











