👉Kaluluwa sa mga Yumao pinagkakitaan ng Simbahang Katoliko?


#faith #Seeking #understanding #commentary #reaction
#spiritualwarfare

Kaluluwa sa mga Yumao pinagkakitaan lang ba ng Simbahang Katoliko?

Show More

Unang-una, hindi po inoobliga ng Simbahan o parokya na ikaw ay magbayad ng sobrang laki para lamang maganap ang nasabing seremonya. Kaya imbes na bayad ang tagawin rito, donasyon ang turing ng Simbahan sa mga pera na inialay sa Kaniya. Kung tutuusin, may mga parokya na hindi na minsan tumatanggap ng bayad para sa gaganaping selebrasyon. Lalo na kung alam nilang hindi kaya magbayad ng mga tao. Tulad na lamang ng tinatawag na "kasal ng bayan" na walang bayad sa pagpapakasal. Ang nagpapagastos na lamang sa kanila ay ang reception o pagpapakain sa kanilang mga bisita. Kaya maling sabihing pinagbibili ang binyag, kumpil, kasal at iba pa. Para naman sa mga parokyang nagpapabayad sa ganitong mga gawain, hindi rin naman masama ang tumanggap ng pera. Ang tawag rito ay "stipend", maliit na halaga ng pera para sa effort na ginawa ng pari at iba pang kasama niya. Dahil nakakahiya naman po sigurong magpalabor sa isang manggagawa pero hindi mo man lamang siya binigyan kahit kakaunti para sa kaniyang mga gamit para sa susunod pa niyang trabaho.
Ngayon saan nga ba napupunta ang mga donasyon?
Ito ay gagamitin para sa mga:
-gamit ng Simbahan
- pagpapaayos sa lumang bagay sa Simbahan
-renovation
-kuryente (ito ang madalas na malaki)
-tubig ( isa sa pinakakailangan)
-pagpapasahod sa mga empleyado
-pagkain ng mga pari
-pangangailangan ng mga ministry
-donations sa mga nangangailangan
-pagsuporta sa mga programs. Ex. PYM.
At marami pang iba.
Kaya kung nagtatanong ka kung saan napupunta ang kanilang pera? Samantalang ni tuwing Linggo hindi umaabot sa bente pesos ang binibigay mo, minsan pa'y hindi ka pa nakakapagsimba. Pagnilayan mo ito. Maraming pangangailangan ang Simbahan.
Higit sa lahat ito po ay may Biblikal na basehan: "He then took up a COLLECTION among all his soldiers, amounting to two thousand silver drachmas, which he sent to Jerusalem to

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press