KALUNGKUTAN | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG | MERCY BLESS


MERCY BLESS

84 views

KALUNGKUTAN
BY: PLEN ROTAO
PRODUCED BY: MERCY BLESS

Heto na naman
Ang isang kaibigan
Na ayaw ko sanang paunlakan
Na kahit hindi ko alam kung san nanggagaling ay
Bigla na lang dumarating

Show More

Walang pasabi
Hindi manlang nagpasintabi
Na ayaw ko man ngunit hindi maisasantabi
Ang kalungkutang ako na naman ang napili

Sa gitna ng kasiyahan
Bigla mo nalang mararamdaman
Ang lungkot na parang namamanhikan
Bigla-bigla kang hahagkan at muli mong mararamdaman
Na hindi ka tunay na masaya
Na muli kang mag-isa.

Muli nyang ipapa-alala sayo
Ang mga bagay na nais mo ng kalimutan
Unti-unti ka nyang ibabalik sa nakaraan
Ipipihit ang orasan
At muli mong matatagpuan
Ang iyong sarili
Sa gitna ng kawalan.

Papatak ang mga luha
Hindi mauunawan kung saan nagmumula
Papatahanin sana ang sarili
Ngunit ayaw paring tumigil sa paghikbi

Tatakpan ang mga labi
Pipilitin paring ngumiti
Ngunit hindi maitatanggi
Na may kalungkutan paring nananatili.

Ilalayo ka nya sa iyong mga kasama
Iisipin mong makakasira ka sa kanila
Na ikaw ang magiging problema
At magiging sagabal
Sa nararamdaman nilang saya

Buong araw nya sayong ipaparamdam
Na wala silang paki alam
Paulit-ulit nyang ipapaalala
Na hindi ka mahalaga
Na sayo'y walang nag-aalala

Bigla nya sayong ibubulong
Na hindi mo kailangan ng anumang tulong
Na sapat nang nararamdaman mo sya
Na dapat masanay kang lagi syang kasama.

Sa ganung paraan
Ka tratratuhin ng isang kalungkutan
Na minsan mo ng itinuring
Bilang isang kaibigan
Nasanay ka nalang na lagi syang nandyan
Kayat kahit anumang oras nya gustuhing bumalik
ay agad mong pagbibigyan.

Ngunit may mga araw
Na kailangan mo syang ipagtabuyan
Pagsarhan ng pinto at huwag paunlakan
Kailangan mong matutunan
At huwag ipasiksikan
Ang sarili para lang diktahan
Kung ano ang dapat mong maramdaman

Kailangan mong lumaya
Sa mga bagay na hindi mo ramdam ang maging masaya
Kailangan mong makita
Ang mga taong handang mahalin ka

Kaya sa susunod nyang pagbisita
Agad-agad mong ipapakita
Kung gaano ka kasaya
Kung gaano ka

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press