KANLUNGAN| SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

293 views

KANLUNGAN"
ISINULAT NI: IAN JOSHUA EJAR

Sa dinamidami ng taong nakilala ko
sa dinamidami ng taong nakita ko
bakit ba sadyang ikaw talaga ang tinitibok nitong aking puso.
na kahit alam kung mali itong nararamdaman ng puso
bakit ba hindi mapigilan ang bugso ng damdamin ko sayo.
Sinubukan kung lumayo't kalimutan ka
sinubukan ko ring bitawan ang mga ala alang nabuo ko na kasama ka.
Ngunit kahit anong gawin ko sadyang ninanais parin nang pusong bumalik at manatili sayo.
Na kahit burahin man ang aking nararamdaman
sadyang nananatili ka parin sa aking puso't isipan.
Ilang beses akong umiwas sayo dahil kahit ako mismo ay 'di sigurado sa nararamdaman ko.
Pero sadyang pinagtatagpo parin tayo
ng tadhana,at yun ang nagudyok sa akin upang ipaglaban ka at huwag sukuan ang lahat ng
pagsubok na aking makakasagupa.
Ilang beses akong nasaktan,nadurog at nasugatan pero pinilit kong manatili't lumaban
dahil sa pagibig na aking pinanghahawakan.
At ngayun baliwala na yung sakit na aking nararamdaman at tanging mga ngiti't yakap mo lang
ang humihilom sa nagdurogong mga sugat na dulot ng mapait naranasan ko no'ng nakaraan.
Ikaw yung dahilan kung bakit nagpapatuloy parin ang aking laban.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press