KAPAG KASAMA KA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

82 views

KAPAGA KASAMA KA
BY: TULANGHEL
PRODUCED BY: MERCY BLESS

Kapag ika’y kasama na
Puso’y tuwang-tuwa
Sa iyo’y may kakaiba
Anong mahika ,Ang iyong dala
Ang kinang ng iyong mata
Ang labi mo pulang nagsasabing’mahal kita’
Tuwing kasama ka
Wala nang mahihiling pa
Ang makasama ka
Ay tanging nais,aking sinta
Ang mundong madilim ay kinulayan mo na
Hindi na nanaising sayo’y mahiwalay pa
Sa iyong bisig
nawawala ang pangangamba
ramdam ang pag-aalaga
hindi lang pag kasama ka
kapag kasama kita
parang may sariling mundo
kung saan tayo’y masaya, at walang problema
at sa mundong ito’y nais kumawala
kapag kasama kita
oras ay nais pabagalin
ikot ng mundo’y pahintuin
ating pagmasdan ang mga bituin
ang takot na magmahal ay palayain
nangangakong ika’y hihintayin
sa buwan ay aking hihilingin
na sa tamang panahon ika’y maging akin.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press