KAPAG NATAGPUAN MO SIYA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
KAPAG NATAGPUAN MO SIYA
BY: MERCY BLESS
Sa lawak ng mundo
Meron talagang iisang tao ang magpapatibok ng puso mo
Na kahit saang sulok kaman pumunta
O saang lugar kaman mapadpad
Ay may nagiisang bituin na magbibigay liwanag
Magbibigay ng kilig, kaba, saya at pinaghalong emosyong
Di mo alam kung saan nagmumula .
Show More
At sa oras na binigyang ka ng pagkakataong lumapit sa kanya
Ay bigla kang hihilain ng malakas na hangin papalayo sa kung nasaan siya
At sa bilis ng pagtibok ng puso mo
Ay sing bilis din siyang naglaho sa mga mata mo
Mga ngiting nais mong makitang muli
na sing liwanag ng mga bituwin sa gabi
Ay nanatiling nakakubli
sa ulap ng nakaraan niya na naging dahilan
Na ang totoong siya ay di mo na muling matatagpuan
Dahil sa mga nakaraan niyang sing lakas ng mga alon
Na patuloy siyang binabalikan.
Hinahampas ng masasakit na ala-ala
At Sa malakas na pagpatak ng maga ulan
Nalulunod sa pagkadurog sa nakraan
At ang salitang pag-ibig ay tuluyan niya ng kinalimutan
Marahil kapagnakita mo siya, ay punong puno siya ng galit
At maririnig mo ang mga salitang masaakit
Na sa kung gaano kaliwanag nung una mo siyang nakita
Ay sing dilim ng mga binibitawan niyang mga salita
Maaring sabihin niyang ayaw sayo
Na sa magpupumilit kang lumapit sa kanya ay itutulak ka palayo
pakiusap huwag kang huminto,
Patuloy mo siyang yakapin at huwag na huwag mo siyang isusuko
Bigyang mo siya ng muling pagkakataong maramdaman ulit
ang pag-ibig na ang akala sa niya’ sa kaniya’y pinagkait
Huwag mo siyang iwang nagmumukhang talunan
Patuloy mo siyang ipaglaban kahit na minsang ng ikaw ay nasasaktan
Na kahit na tinutulak ka niya papalayo
Ay patunayan mo sa kaniya na ang nais mo ay hindi laro
Ipaalala mo sa kaniya na pwede pa
Na pwede pang maghilum ang mga sugat niya
Huwag mo siyang iwan ng basta basta
Kasi











