Kapayapaan Mo
Psalmo Music
Isang napakalaking pagpapala ang maisama sa bagong Papuri 23 album "Laban N'yo Ito Panginoon" itong bagong awit na isinulat ko. Ang pamagat nito ay "Kapayapaan Mo". Hango sa Filipos 4:6-7; ito ay tungkol sa pangakong kapayapaan ng Diyos na siyang mag-iingat sa ating puso at isipan.
KAPAYAPAAN MO
Show More
Kung balisa at may alinlangan
'Di maitago ang kahinaan
Ang 'Yong biyaya ang aasahan ko
II
Ang kabigatan at suliranin
Sa 'Yo Ama ay idinadalangin
Ang pangamba sa puso ay naglaho
Sa 'Yong tugon
CHORUS
Kapayapaang 'di kayang unawain
Ang mag-iingat sa isipan at damdamin
Kapayapaang hindi pangkaraniwan
Biyayang kaloob
sa mga pusong nananalig sa 'Yo
Haharapin ang bagyo
Tangan ang kapayapaan Mo
II
Dahil kay Kristo, sa 'Yo'y lalapit
Ang 'Yong kalooban ang hahanapin
Kung madilim, ang tanglang sa landas ko'y
Mga pangako Mo
KAPAYAPAAN MO
Lyrics and music by Paul Armesin
Performed by Dinah Armesin
KAPAYAPAAN MO - CHORDS
https://drive.google.com/file/d/1emfb43iPfnJKOzb0Mca79tMl_1FkTNgq/view?usp=sharing











