KAY BILIS MONG SUMUKO | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG | MERCY BLESS
KAY BILIS MONG PAG SUKO
BY: Moon Child
PRODUCED BY: MERCY BLESS
Sobrang Bilis mong dumating, sobrang bilis mo ring nawala.
Akala ko nung una ikaw na, kayat ako’y agad nag tiwala
Gusto ko lang naman mahalin at tratuhin ng tama.
Pero bakit pagmamahal mong binigay ay kay bilis ring nawala
Oo alam kung ikaw ay hindi perpekto
Tanggap ko iyon lahat sayo
Ngunit bakit, pagmamahal mo lang naman ang nais kung sukli,
iniwan mo akung bigla na hindi ko man lang alam kung saan ako nagkamali
Hindi ka pala handa, Dapat una pa lang ay hindi kana nag Padala sa nag tatalong
iyong pusot isipan. Upang ako’y dina umasa at naguguluhan. Kung nanaisin mong
bumalik sa tahanan na iyong iniwan, hindi ako sigurado kung bukas pa o bubukas
pa ang pintuan na iyong bigla na lang iniwan.
Marahil hindi nga ito ang oras at panahon na para saatin, Baka sakaling Tadhana’y
bigla tayong muling pagtagpuin.
Ngunit Hindi ako sigurado na maibabalik ko pa ang hinahangad mong pag ibig na
malawak at malalim na handa kang yayakapin.











