👉Kaya pala maraming napaniwala sa Iglesia ni Manalo dahil sa modus na ito!


#faithjourneys #SEEKING #UNDERSTANDING #ONECFD #oncesavedalwayssaved #signofthecross #ceofexorcism #rebulto #sacredimages

TANONG: tatanggapin ba natin na IGLESIA NI CRISTO ang nakalagay po dun sa GAWA 20:28?

Show More

HINDI po! Sapagkat HINDI po iyan ang ORIHINAL na nakasulat sa Gawa 20:28, “iglesia ng Dios” po at HINDI “iglesia ni Cristo.” Sa kanyang saling Biblia si Lamsa po ay hindi sumangguni sa orihinal na wikang Griego na siyang pagkakasulat ng “Mga Gawa”. Sa Griego (Greek) po kasi, ay tan ekklasian tou Theou (church of God), HINDI po “tan ekklesian tou Christou (church of Christ)..” (Basahin ang Catholic Answers).

Sino ba si George Lamsa? Bakit po siya dirinig-diri sa pagka-Dios ni Cristo?

Una, bagama't di naniniwala sa pagka-Dios ni Cristo, si Lamsa po ay hindi kaanib ng INM-1914. Siya po ay kabilang sa iglesiang “Assyrian Church of the East”. Hindi po sila nakaugnay sa mga Orthodox o mga Katoliko. Ang kanilang mga katuruan po ay hango sa schismatic na turo ng Nestorianism .

Si Nestor po, na pinagmulan ng maling aral na 'yan ay kinondena ng Iglesia sa KONSILYO NG EPHESUS noon Hunyo 22, 431 A.D.

Ang mga taga-sunod po ng Nestorianism ay mga taong naniniwala sa HIWALAY na naturalesa ni Cristo—isa bilang Dios at isa bilang tao. At ang samahang ito ay KINONDENA sa KONSILYO ng CHALCEDON noong Nobyembre 1, 451 A.D.

Kaya’t nagtaka si George Lamsa kung bakit ang “Dios daw ay may dugo” sa Gawa 20:28. Sapagkat di siya naniniwala sa pagka-Dios ni Cristo.

Sabi niya, hindi raw maaaring “iglesia ng Dios” ito sapagkat ang Dios ay walang dugo at hindi siya maaaring mag-alay ng wala siya.

Kaya’t upang masolusyunan ang kanyang problema sa verse na ito, pinalitan niya ang “iglesia ng Dios” sa “iglesia ni Cristo (TAONG MAY DUGO)” na siyang ikinatutuwa ngayon ng mga kaanib ng INM-1914 sa pag-aakalang SILA ang tinutukoy doon ni George Lamsa.

Watch the Video.

Tatalakayin natin ito.

https://www.youtube.com/c/BroWendellTalibong

Collaborated to the youtube channels of:
âś…Mr. Curius

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press