KITA KITA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS


MERCY BLESS

132 views

Kita Kita
By: Plen Rotao
Sana nung una kitang makita
Hindi nalang kita tiningnan sayong mga mata.
Sana hindi ko nalang nakita
Ang lungkot na pilit mong itinatago ng saya.
Yung labi mong ngumingiti
Ngunit may matang nagkukubli
Ng lahat ng sakit at pighati.
Sa mga mata mong nangungusap maririnig ang mga katagang
Hindi mabigkas ng iyong mga bibig.
Nakita ko ang tunay na ikaw.
Ikaw na napapagod ng maki agaw
Sa bawat pagsigaw,
Sa mga pangarap mong hindi parin natatanaw.
Ang tulad mong walang kasing sigla
At mistulang tala sa paningin ng madla
Ay may kalungkutang nadarama
Na hindi nakikita ng iba
Ngunit... nakita kita.
Yung ikaw na hindi kilala ng iba
Nakita ko yung tunay mong anyo.
Anyo ng pagkukunwaring lahat ay kaya mo.
Isang tingin palang ay kalkulado ko na
Ang mga bakas, ang bawat patak ng mga luha.
Ang mga gabing ikay natutulala
Sa mga kathang isip na sayo'y gumagambala.
Hanggat maaari ay iiwasan ko na sana,
Ang tumitig sayong mga mata.
Mula kasi nung makita na kita
Napaisip nalang ako bigla.
Bakit parang mahalaga ka na?
Lagi kitang kinakamusta
Gusto kong lagi kang masaya
Kahit hindi ka magsalita
Alam kong may bagahe kang dinadala.
Kahit hindi mo sabihin...
Kilala na kita.
Gusto kitang alagaan sa abot ng makakaya.
Ayaw kitang masaktan o saktan ng iba.
Sa bawat pighating nakikita ko sayong mga mata
Nais kitang pasayain sa tuwina.
Ngunit hindi ko magawa.
Dahil ako man din ay may ikinukubli
Ang mga mata kong may palihim na minimithi.
Na hindi nakikita sapagkat nagkukunwari
Ngunit sa aking galaw ay hindi maitatanggi
Na mayroong tinatangi.
Nawa'y mahanap mo na ang natatanging susi.
MUSIC PRODUCED BY:
https://youtu.be/U_-kPnM1lnE?si=FtHGISU3UswzyXMx

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press