KUNG SAAN TAYO ANG PANALO | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Kung Saan Tayo Ang Panalo
By: Dueta, Reyca P.
Hi! Kumusta ka na?
Alam kong may pinagdadaanan ka
Alam ko ang sakit na'yong nadarama
Halika't dadamayan kita at huwag kang mag alala
Makikinig ako sa bawat sasambitin mong mga salita.
Nagmahal ka diba?
Nasaktan ka na din diba?
Hays, pareho pala tayong dalawa
Tama nga ang sabi nila
Di madali ang masaktan ng sobra
Lalo na't ang turing niyo sa isa't isa
Ay napakaespesyal at di tulad ng iba.
Alam ko ang nararamdaman mo, kaibigan
Alam ko kung paano masaktan
Siguro natuto narin ako sa sawing pag-ibig ng nakaraan
At ngayon ko lang naisipan
Na may silbi pala ang sakit na aking naramdaman
Sapagkat aking nalaman na hindi pala talaga siya kawalan
Upang tuluyang habulin at di bibitawan.
Ganito rin ba ang iyong nakaraan?
Naranasan mo rin ba ang aking napagdaanan?
Kung oo, karamay mo ko kaibigan
Tayo ang nasaktan at sinaktan
Pero tayo rin ang nakinabang
Dahil iniwan man tayo ng mga 'yan
Tayo parin ang panalo sa huling labanan.
Teka, may tanong ako sayo
Okay ka na ba ngayon?
Wala ka na bang sakit na tinatago d'yan?
Wala ka na bang nararamdaman?
Sure kang nang okay na ang lahat?
Kung sa lahat ng tanong kong ito
Ang sagot mo'y oo
Aba'y tama lang yan!
Masaya ako para sayo
Ipagpatuloy mo lang yan
Dahil sigurado akong sa labang ito
Tayo parin ang panalo.
Okay na?
Okay na ang ikaw?
Ako okay na din ba?
Syempre, oo
Matagal na, sapagkat ibinaon ko na sa limot ang lahat
At kinalimutan na ang lahat ng pait
Para makita ko kung ano ang tunay na mundo
Ang totoong mundo na kung saan tayo lang ang nakakaalam sa mga paratang at hapdi ng
bawat sigundong napaglaanan ng lahat ng bigat ng nakaraan
Maligaya ako sa ating pinakitang katapangan
Nawa'y kahit saan man tayo dalhin ng tadhana
Huwag nating kalimutan kung saan tayo nagsimulang masaktan, kung saan











