LALIM |SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

5,043 views

Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
LALIM
By: Justine Kay M. Granada
VOICE & EDIT : MERCY BLESS

ang tulang ito,
ay para sa taong matagal ko nang gusto,
ngunit wala akong sapat na lakas ng loob na ipabatid sayo,
kaya naman idadaan ko sa tulang ito.

Show More

nakatingala ako sa mga tala at sa buwan,
naghahanap ng tamang mga letra upang matukoy ang naramdaman,
unti-unting hinihila ng pagtingin ko sa iyo,
sa isang bangin na hindi ko sigurado kung nasaan ang dulo.

hanggang saan ba ako hihilain nito?
sigurado ba akong gusto kong maabot ang dulo?
patuloy na nahuhulog sa destinasyong walang kasiguraduhan,
may hinalang sa kalagitnaan ako ay masasaktan.

ang mumunting tinig kong humihingi ng saklolo,
hindi madinig dahil sa pintig ng aking puso,
pinaghalong kaba at emosyong hindi mapangalanan,
nalunod sa lalim ng mata mong napakasarap pagmasdan.

alam kong hindi masusuklian,
ang pagtingin kong ayaw ko nga na iyong malaman,
ganon ako ka takot sa isasagot mo,
sapagkat alam kong ang mga mata mo ay nakatutok sa ibang tao.

pero sige,
magpapakatanga ako,
araw-araw kong hihintayin ang mga sagot mo,
araw-araw gagawa ng paraan marinig lang ang boses mo.

itong mga talatang ito,
ang mga salitang isinulat ko,
kung sakaling makarating sa'yo,
wag mo sanang sabihing hindi mo kayang suklian ako.

sa halip ay hayaan mo nalang akong gustuhin ka sa malayo,
hindi mo man masuklian ang pagtingin ko,
siguro naman kusang mawawala itong nararamdaman ko,
habang hindi pa malalim ang naabot ng pagkahulog ko.

Facebook Page
https://www.facebook.com/MERCY-BLESS-102417664695351

Tiktok
tiktok.com/@mercy.bless

Business Email
mercyblesscollaboration@gmail.com

Open Collab for all - send your original piece here :)
spokenwordpoetry17@gmail.com

Spotify
in God's perfect time, my songs, podcast and hugots will be on spotify.

FAQs:
Q. How old are you?
22

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press