LARO LANG PALA ANG LAHAT SAYO | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
LARO LANG PALA ANG LAHAT SAYO
BY: MERCY BLESS
laro lang pala ang lahat sayo
ito ang napagtanto ko ngayong andito na tayo sa dulo
Ngayong nag-iisa na lamang akong
Iniinda ang sakit dahil sayo
Show More
Ganito palang pakiramdam
Na umikot ang mundo mo sa
Taong walang ibang ginawa
Kundi ang paglaruan ang pusong
Nagmahal lang naman
Ganito pala ang pakiramdam
Na akala mo minahal ka niya
Yun pala ay kailangan ka lang niya
Ano ba ang nagawa kong mali
Bakit mo nagawang lokohin ako ng ganito
Nasaktan ba kita?
Nagkulang ba ako sayo?
Saan.. kelan
Bakit nagawa mo akong paglaruan
At saktan
Ang daya mo
Bakit sakin pa
Bakit ako pa
Kung laro lang pala ang lahat sayo
Sana di ka na pumasok sa buhay ko
Kung laro lang pala ang lahat sayo
Sana nung una palang iniwan mo na ako
Di yung aalis ka kung saan
Tinanggap na kita ng buo
At naging parte ka na ng buhay ko
Di yung bibitaw ka agad
At sabihing laro lang ang lahat sayo
Habang minamahal ka ng puso ko
Ang daya mo
At ang tanga ko
Dahil naniwala akong totoo ang lahat
At Naniwala ako na mahal mo rin ako
Paano mo nagawang mangako sa harapan ko
At sambitin ang mga pangakong
Di mo rin naman kayang tutuparin
Sana noon pa
Sinabi mo na
Na bibitaw karin
Kapag ayaw mo na
Kapag nagsawa kana
Nang sa naging handa ang puso ko
Sa iyong paglaho
At sa iyong laro
Talo ako
Oo talo ako
Dahil heto
Ako yung nasaktan
Ako yung yung iniwan
Ako yung umuwing luhaan
Dahil minalahal ka ng lubusan
Laro
Laro lang pala ang lahat sayo
Kahit na ang lahat ng pinakita ko ay totoo
Kaya sa lahat ng nagmahal
Magtira ka rin sa sarili mo
Huwag mong ibigay lahat
Nang sa di ka matalo
Sa laro ng pag-ibig
Mahalin mo ang ikaw
Mahalin mo ang ikaw
music produced by: https://youtu.be/1gqAkCO12g4











