LARO | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG ( HUGOT ) | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Laro
By: Moon Child
Tataya ka ba?
Ready ka bang sumugal?
O makikipag laro ka na lang ng tagu-taguan, taguan ng nararamdaman.
Kung hindi ka sigurado,
pwede bang....
pwede bang pigilan mo ang sarili mong guluhin ang tahimik kung mundo.
Hindi sa pinag babawalan kita,
Kundi takot, at pagod na akung masaktan at pag laruan.
Uunahan na kita,Hindi ako Bola na pwede mo na lang basta-basta ipasa sa iba.
Hindi ako turumpo, para paikutin mo ng paulit ulit. At mas lalong hindi ako
tauhan sa ML para i double kill at i tripple kill mo ng paulit ulit.
Kaya bago ka pumasok sa buhay ko, pwede bang pag isipan at siguraduhin mo, na
handa ka sa lahat.
Oo hindi ito laro, pero handa akung tumaya at ipag laban ka at siguraduhin na
ipapanalo kita.
Kaya kung handa ka na, sumugal tayo sa isat -isa. At sabay nating harapin ang
laban at pagsubok na syang darating.Manalo man o matalo, Ikaw at ako parin
hanggang dulo.











