LEVITICUS 11 (Part 3) - Ang Malinis At Maruming Pagkain 😋
Tinawag at Hinirang
Sa mga nakalipas na panahon, marami na ang naganap na malawakang paglaganap ng mga nakakahawang sakit sa buong mundo na ikinamatay ng milyon milyong tao na naging biktima ng pandemiya.
Ang mga sakit tulad ng SARS, SWINE FLU, Ebola, at ang pinakahuli ay ang COVID-19.
Nalalaman naman ng karamihan na ang lahat ng mga paglaganap ng mga sakit na ito ay nagmula sa mga hayop.
At dahil sa paghawak at pagkain ng mga tao sa mga hayop na may nakakahawang sakit, ito ang naging dahilan kung bakit nailipat sa tao ang mga nakamamatay na virus mula sa mga maruming hayop.
At ayon sa medical science ang virus ng SARS, EBOLA, at COVID-19 ay sinasabing nagmula sa mga paniki, at ang swine flu naman ay nagmula sa mga baboy.
Hindi ba at napakagandang isipin kung mayroong magiging gabay na magsasabi sa atin kung aling mga hayop ang ligtas na kainin at alin ang hindi? Para nang sa gayon maging ligtas tayo mula sa mga nakakahawa at nakakamatay na sakit na nagmula sa pagkain ng mga hayop na hindi naman dapat kainin!
Sa kabuting palad, dapat tayong magpasalamat! Sapagkat mayroong ibinigay na gabay ang ating Ama sa langit na mababasa sa Biblia. Ito ay isang gabay na naisinulat ilang libong taon na ang nakalipas, ngunit ang kabutihan dulot ng mga payo at gabay na ito ay nanatiling epektibo at mabisa magpahanggang ngayon.
Ang gabay na ito ay nagsasabi kung anong hayop ang ligtas kainin, nagbibigay ito sa atin ng mga simpleng katangian at pagkakakilanlan ng mga hayop upang matulungan tayo na matukoy kung aling mga hayop ang ligtas kainin at hindi.
================================
Show your SUPPORT! Spread the Truth!
We Are God's Work in the last days.
"SHARE, COMMENT, LIKE & SUBSCRIBE!"
Images from:
Pexels
Google.com
Music by:
Audio Library
#letusstudythebible #bible #inspiration #cleananduncleananimals #cleanandunclean #dietarylaws #biblicalteachings #OldTestament #Jewishlaw #kosherdiet #healthandhygiene #spiritualpurity #religiouspractices