Live A Life Of Surrender


Kung gusto mong maging isang tunay na taga sunod ng Panginoong Jesus ay kailangan mo magkaroon ng isang dedicated life. Kailangan mong magkaroon ng pusong marunong mag-surrender. Alam mo sa totoo lang, tayong mga tao ay merong kalikasan na gawin yung mga bagay sa sarili nating paraan. Napakahirap para sa atin ang pagsuko sa Diyos. Kasi salungat ito sa sarili nating pagnanasa, at sarili nating interest. Kaya Nga yong idea na dapat mahalin mo ang sarili mo ng higit kahit kanino man at anumang bagay upang ang iyung buhay ay mag i-improve ay hindi totoo.
Kaibigan ang itinuturo sa atin ng Diyos mula sa Salita Niya o sa Bible ay kabaligtaran. Hindi ito pagmamahal sa sarili. Dahil yung pagmamahal sa sarili ay ugat ng problema sa ating puso. Ugat ng problema sa relasyon natin sa Diyos at relasyon natin sa ibang tao. Bakit?

Kasi yung pagmamahal sa sarili ay pag-focus lang sa kung ano ang makakalugod sa iyo kahit na ito ay makakasama sa ibang tao. Ang pagmamahal sa sarili ay naka focus sa nakaraan, naka-focus sa sariling kapighatian, naka-focus sa sariling sitwasyon kaya ang nangyayari ay itong mga bagay na ito ang makakasira sa ating buhay. Ang pagfo-focus sa sarili ang nagiging dahilan kung bakit tayo nagiging immature. Ang pag-focus sa sarili ay nagiging dahilan kung bakit hindi tayo lumalago spiritually. Nakakulong tayo sa ating mga pinag-aalala sa buhay pero tignan mo. Anong tinuturo sa atin ng Panginoong Jesus sabi sa

Show More

Lucas 9:23 MBB
23 At sinabi niya sa kanilang lahat, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin.

Ang sinasabi ng Panginoong Hesus ay kung gusto mong maging alagad Niya, kung gusto mong maging tagasunod Niya ay hindi mo mamahalin ang iyong sarili ng higit sa Kanya kung hindi itatakwil mo ito at papasanin mo ang iyong krus araw-araw. Ito ay kung gusto mo pero kung ayaw mo ay hindi ka pipilitin ng Panginoong Hesus. Binigyan ka Niya ng choice. Ang hindi pwede

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press
Live A Life Of Surrender | Crossmap Videos Philippines