LIVE: Quiapo Church Online Mass Today - 9 August 2024 (Friday) FR. DOUGLAS BADONG


Live Online Streaming of the Quiapo Church Official Daily Mass
August 9, 2024
Mass presider is Rev. Fr. Douglas D. Badong

Sabado ng Ika-18 sa Karaniwang Panahon

Show More

MGA PAGBASA:
Nahum 2, 1. 3; 3, 1 – 3. 6-7

Salmo
Deuteronomio 32, 35kd-36ab. 39abkd. 41
Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

Mateo 16, 24-28

PAGNINILAY: Sa ating Ebanghelyo (Mateo 16:24-28), nais ipahayag ni Hesus ang tatlong hamon upang tayo’y maging mga alagad niya araw-araw:

1.) LIMUTIN ANG SARILI.
Ibig sabihin nito ay ang lahat ng tinatanggap nating mga biyaya at pagpapala ay hindi lang mula sa kalikasan at sa tao, kundi sa Panginoon. Kaya dapat tayo’y magpakumbaba at magtiwala sa kanya na susundin natin ang kanyang kalooban.

2.) PASANIN ANG KRUS.
Binuhat ni Kristo ang kanyang Krus mula sa Praetorio hanggang sa Golgota. Binuhat niya sa kanyang mga balikat ang pag-iinsulto ng mga tao at mga pinuno ng mga Hudyo, pagngungutya ng mga kawal na Romano, at higit sa lahat ang pagkakasala ng tao laban sa Diyos. Sa ating buhay, maraming pagsubok at paghihirap ang ating dinadanas araw-araw. Pero ang hamon ng Panginoon sa atin ay pagtitiis at pagtitiyaga sa gitna ng mga ito. At habang ginagawa natin iyan, patuloy tayong gumagawa ng mga mabubuting bagay. Kaya ang krus ay hindi na simbolo ng parusa, kundi simbolo ng tagumpay dahil kay Hesus na namatay para tayo’y mailigtas mula sa kasalanan.

3.) SUMUNOD SA AKIN.
Ang pagiging tunay na alagad ng Panginoon ay hindi palaging madali. Minsan ito’y mahirap sapagkat hindi ito gawa ng Diyos at hindi siya tumatawa, kundi nakasalalay ang ating mga pagdurusa sa mga kontemporaryong sitwasyon. Ang ating misyon bilang mga Kristiyano ay ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita at pakikisalamuha sa pamumuhay ng mga tao. Kaya nga napakahalaga ang dalawang hamon sa itaas dahil sa karanasan (experience). Kapag dinanas natin ang mga bagay na ito at naging matatag sa ating pananampalataya sa Panginoon, napakahalaga ang ating matutunan bilang mga alagad niya.

Kaya sa ating

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press