Liwanag ng Pag-asa | JIL 44th Anniversary | Arise and Build
MusiKat
Anniversary Theme Song: Liwanag ng Pag-asa
INTRO
Liwanag ng pag-asa sa mundong naninimdim
Tatanglaw sa buhay at hahawi sa dilim
Show More
STANZA 1
Pira-piraso mula sa mga guho
Ng mundong kay tagal na binuo
Pangarap, sa puso’y naglaho
Mga pangako ay napako
STANZA 2
Kabi-kabila ang kabiguan
Ano ang bukas na naghihintay
Sa akin, sa amin, sa atin
Dalangin ibubulong sa LANGIT
PRE-CHORUS
‘Di susuko, babangon, sa hamon ay tutugon
Kakayanin, sisikapin, magpapatuloy
CHORUS
Liwanag ng pag-asa sa mundong naninimdim
Tatanglaw sa buhay at hahawi sa dilim
Gigising sa diwa ng pagkadakila
Tutulong daramay, at kakalinga
Liwanag ng pag-asa ay narito na…
Vamp:
Liwanag sa mundo oh oh oh yeah (3x)
STANZA 3
Kaibigan, ‘di tayo nag-iisa
Ang Diyos ay lagi nating kasama
Tagumpay. tiyak na naghihintay
Sa nananalig na Siya ang daan
Siya ang may hawak ng kasagutan
CHORUS 2
Si Kristo ang Liwanag sa mundong naninimdim
Tumatanglaw sa buhay, humahawi sa dilim
Gumigising sa diwa ng pagkadakila
Nag-aabot ng kamay, kumakalinga
Si Kristo ang liwanag
Ang tanging pag-asa
Vamp:
Liwanag sa mundo oh oh oh yeah (3x)
PRE-CHORUS/BRIDGE
'Di susuko, babangon, sa hamon ay tutugon
Kakayanin, sisikapin, magpapatuloy
‘Di susuko, babangon, sa hamon tutugon
Kakayanin, sisikapin, magpapatuloy
Tayo ang liwanag sa mundong naninimdim
Tatanglaw sa kapwa at hahawi sa dilim
Gigising sa diwa ng pagkadakila
Mag-aabot ng kamay at kakalinga
Liwanag ng pag-asa
Ay narito na!
Vamp:
Liwanag sa mundo oh oh oh yeah (3x)
(Repeat)
Liwanag ng Pag-asa
JIL New Prayer Garden, Bulacan
Jesus Is Lord 44th Anniversary | Arise and Build
October 31, 2022











