LUKEWARM? Paano tatakas mula sa Maligamgam na Kristyanismo


Nararamdaman mo ba na ang iyong spiritual Journey ay umiikot lang sa paulit-ulit na routine?
May mga ginagawa kang activity para sa Diyos pero alam mo sa puso mo na may mga bagay ka pa na hindi mo talaga maibigay ng buo sa Kanya.
Maaaring hindi mo na matandaan yung araw o taon na kung saan ikaw ay mainit na mainit sa Panginoon.
Dati Excited na excited ka basahin ang Bible gustong-gusto mo maggugol ng panahon para makausap ang Diyos at palagi ka naghahanap ng opportunity para magserve kay Lord, excited ka din kapag ka Sunday talagang gustong gusto mo kumain ng espiritwal na pagkain na ibibigay Niya para sa iyo at talagang mainit na mainit ka ipahayag sa iba ang mabuting balita.
Kaya lang dumaan yung mga panahon unti-unti nawala yung kagutoman na iyon sa Diyos. Nagkaroon ng mga distraction, nagkulang ka na sa disiplina, naging busy ka sa ibang bagay at yung init na iyon ay nawala at actually hindi mo nga alam na ikaw ay naging maligamgam sa Diyos. Iniisip mo lang na talagang ganito normal lang ito kasi ang buhay ay masyadong demanding maraming kailangang asikasuhin at gawin. I'm sure maiintindihan naman ito ng Diyos at isa pa babalik din naman ako kapag naging maayos na ang lahat kaya lang alam mo kaibigan yung pagiging maligamgam yung nasa gitna ka lang, hindi masasabi na hindi mo kilala si Lord pero hindi din namn masasabi na malapit na malapit ka sa Kanya. Eksakto lang, O tama lang o katamtaman lang ang binibigay mo sa Kanya. Kaibigan hindi ito nakakalugod sa Diyos. Mahal ka ng Diyos at ayaw Niyang mapahamak ka kaya't hindi Niya ito ito-tolerate sa buhay mo. Sa halip ay bibigyan ka Niya ng babala upang magbago. Tingnan mo ang sabi Niya sa

Pahayag 3:15-16 MBB
15 Alam ko ang mga ginagawa mo. Alam kong hindi ka malamig ni mainit. Mabuti pa sana kung ikaw ay malamig o mainit. 16 Ngunit dahil ikaw ay maligamgam, hindi mainit ni malamig, isusuka kita!

Show More

Na-Realize ko alam ng Diyos ang iniisip natin, ang ginagawa natin at ang laman ng puso natin. Wala tayong maitatago sa

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press