Lumapit sa Diyos Araw-Araw, Simula sa Pagbabasa ng Kanyang mga Salita
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa loob ng isang araw, ilang oras ka tunay na nasa harap ng Diyos? Gaano karaming bahagi ng iyong araw ang talagang ibinibigay mo sa Diyos? Gaano karaming bahagi ang ibinibigay mo sa laman? Ang laging pagtutok ng iyong puso sa Diyos ang unang hakbang sa pagtahak sa tamang landas tungo sa Kanyang pagpeperpekto. Kung kaya mong ilaan ang iyong puso, katawan, at lahat ng iyong tunay na pagmamahal sa Diyos, iharap ang mga iyon sa Kanya, maging lubos na mapagpasakop sa Kanya, at maging lubos na mapagsaalang-alang sa Kanyang mga layunin, at hindi kumilos para sa laman, para sa pamilya, at para sa iyong sariling mga pagnanais, kundi para sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, na itinuturing ang mga salita ng Diyos bilang iyong prinsipyo at pundasyon sa lahat ng bagay, kung gayon, sa paggawa niyon, ang iyong mga motibo at iyong mga perspektiba ay maaayos, at magiging isa kang tao na tumatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos sa Kanyang presensiya."
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Tunay na Nagmamahal sa Diyos ay Yaong mga Talagang Nagpapasakop sa Kanyang Pagiging Praktikal
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.











