Lumapit sa Diyos Araw-Araw, Simula sa Pagbabasa ng Kanyang mga Salita


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa Aking liwanag, muling nakikita ng mga tao ang liwanag. Sa Aking salita, nakakamit ng mga tao ang mga bagay para sa pagtatamasa nila. Nagmula Ako sa Silangan, nagsimula Ako mula sa Silangan. Kapag sumisikat ang liwanag ng Aking kaluwalhatian, naiilawan ang di-mabilang na mga bansa, lahat ay natatanglawan, wala ni isa mang bagay ang nananatili sa kadiliman. Sa kaharian, ang buhay na ipinamumuhay ng mga tao ng Diyos sa Kanyang piling ay walang kapantay ang saya. Sumasayaw sa tuwa ang mga tubig sa pinagpalang buhay ng mga tao, nagtatamasa ang mga kabundukan sa Aking kasaganaan kasama ng mga tao. Lahat ng tao ay nagpupunyagi, nagtatrabaho nang husto, nagpapakita ng kanilang debosyon sa Aking kaharian. Sa kaharian, wala nang paghihimagsik, wala nang paglaban; umaasa ang kalangitan at ang lupa sa isa't isa, nagkakalapit Ako at ang sangkatauhan na may malalim na damdamin, matamis na namumuhay nang magkakasama, sumasandal sa isa't isa…. Sa panahong ito, pormal Kong sinisimulan ang Aking buhay sa langit. Wala na ang panggugulo ni Satanas, at pumapasok na sa kapahingahan ang mga tao."
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Magalak Kayong Lahat na mga Tao!

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press