LUMAPIT SA KANYA | IBIGAY BUONG SARILI, PUSO'T KALULUWA | WORSHIP SONG
Psalm Taotao
Lyrics
I.
Napagisip-isip mo ba ang buhay mo
Bakit ka inilagay sa mundong ito
Kung saan ka nanggaling
kung saan ang patutungUhan
May dahilan kahit hindi mo ito alam
Ano kaya ang iyong gagawin?
Ipagpapatuloy mo ba ang iyong mga gawain
Kung magbabago ka ay simulan mo na ngayon
Tutulungan ka ng Panginoon
Koro:
Lumapit sa Kanya ibigay buong sarili puso't kaluluwa
Wag nang maghintay pa
Ngayon mo ito gawin
Sapagkat di mo batid kung anong
dala ng bukas para sa iyo
Kaya't ihandog mo na ngayon sa Kanya ang buhay mo...
Show More
II.
Buhay natin ay pansamantala
Isang saglit ika'y buhay tapos wala ka na
Kaya't ngayon ang panahon
Harapin ang katotohanan
Diyos lamang ang may buhay na walang hanggan
Bridge
Wag ng magduda pa
Ngayo'y gawin mo na.
#godsword #christiansongs #christianmusic #christianliving #worshipsongs #worshipmusic #worshipsong #commitment #choose #freedomofchoice











